Pagkain ng mga shellfish na galing ng Irong Irong Bay sa Western Samar, pansamantalang ipinagbawal ng BFAR

247

Manila, Philippines – Pansamantala munang ipinagbawal ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources ang pagkain ng mga shellfish na galing ng Irong Irong Bay sa Western Samar.

Ito ay dahil sa positibo sa red tide ang Irong Irong Bay.

Partikular na ipinagbabawal ng BFAR ang pagkain ng lahat ng uri ng shellfish at alamang.


Pero ayon naman sa BFAR – ligtas pa ring kainin ang isda, pusit, hipon, alimango basta’t siguraduhing sariwa at nahugasang mabuti at natanggalan ng hasang ang mga ito.

Facebook Comments