Umani ng samu’t-saring reaksyon mula sa ilang Pangasinense ang pagkakaaresto ngayong araw kay dating Pangulong Rodrigo Duterte.
Ayon sa ilang Pangasinense, hindi umano nararapat ang agarang pag-aresto sa dating pangulo dahil wala pa umanong sapat na katibayan sa mga akusasyon laban dito.
Habang ang ilan naman sinasabing kung ano umano ang naaayon sa batas at kung napanatunayan ngang may pananagutan ang dating pangulo sa lahat ng mga ibinabatong alegasyon at akusasyon laban sa kanya ay hahayaan na umanong nilang batas ang humusga rito.
Sa huli ang panawagan ng mga Pangasinense sa mga lider ng bansa na hindi sana maantala o maapektuhan ang ilang programa ng Pamahalaan para sa mamamayang Pilipino sa Kabila ng nasabing pagkaka aresto sa dating Presidente. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨