Pagkakaaresto sa isang kandidato sa Cotabato na sangkot umano sa iligal na droga patunay na seryoso ang PNP sa paghahabol sa mga sangkot sa kriminalidad

153

Ikinatuwa ni Philippine National Police (PNP) Chief Gen. Guillermo Eleazar ang pagkaaresto sa isang kandidato sa Midsayap, Cotabato dahil sa pagkakasangkot sa ilegal na droga.

 

Kinilala ni Eleazar ang suspek na si Tom Nandang, alyas Datukon Nandang, na tumatakbo sa pagka-alkalde ng Bayan ng Northern Kabuntalan sa Maguindanao.

 

Nakuha mula sa suspek ng mga tauhan ng PNP, Armed Forces of the Philippines (AFP) at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang 5 milyong pisong halaga ng shabu at isang Cal. 45 pistol.


 

Sinabi ni PNP chief, patunay ito na seryoso ang PNP sa paghahabol sa mga kandidatong sangkot sa mga kriminal na aktibidad.

 

Siniguro ni Eleazar sa publiko na hindi hahayaan ng PNP ang mga narco-politicians at ang mga kandidato na gagamit ng “guns, goons and gold” na mamayagpag sa eleksyon.

Facebook Comments