Pagkakabit ng Fiber Optic Internet connection sa mga bahay ng mga estudyante sa San Juan, inumpisahan na

51

Nagsimula na ang lokal na pamahalaan ng San Juan sa pagkakabit ng libreng Fiber Optic Internet Connection para sa mga mag-aaral sa public schools ng lungsod.

Ayon kay San Juan City Mayor Francis Zamora, ongoing ang pagkakabit ng Fiber Optic Internet Connection sa mga bahay ng mga public school students.


Tinitiyak din ng alkalde na lahat ng mga estudyante sa pampublikong paaralan ay mabibigyan ng internet na makakatulong para sa kanilang online education.

Ibabatay naman ang mga tahanan ng estudyante na kakabitan ng internet sa official list ng Department of Education (DepEd) San Juan.

Facebook Comments