PAGKAKAISA | Cardinal Tagle, nanawagan sa lahat ng parokya na tulungan at patuluyin ang mga naapektuhan ng pagbaha

818

Manila, Philippines – Umapela si Archbishop Cardinal Luis Antonio Tagle sa lahat ng mga parokya na buksan ang kanilang mga pintuan para sa mga naapektuhan ng mga pagbaha.

Maliban sa mga parokya, sinabi ni Tagle na mayroon ring mga diocese, caritas at social action center na maaaring pansamantalang tuluyan ng mga nasalanta.

Kasabay nito, hinimok rin kardinal ang lahat na manalangin para sa kaligtasan ng mga apektadong residente.

Sinabi rin ni Cardinal Tagle na bukas din ang pintuan ng simbahang Katolika para sa mga handang tumulong.

Facebook Comments