PAGKAKAISA | International aid, bumuhos para sa Indonesia

Indonesia – Patuloy ang pagdating ng tulong mula sa iba’t-ibang bansa para sa mga nasalanta ng lindol at tsunami sa Indonesia.

Magpapadala ng 20 eroplano ang United Kingdom, Singapore at iba pang bansa para tumulong sa relief effort sa Sulawesi Island.

Bigas, pagkain at inuming tubig ang dala ng isang barko ng Indonesian Navy sa Palu para sa mga biktima ng kalamidad.


Pumalo na sa 1,424 ang kumpirmadong patay at mahigit sa 2,500 naman ang naiulat na sugatan.

Facebook Comments