Pagkakaisa, sentro ng talumpati ni Pangulong Duterte sa ginanap na ASEAN gala dinner

112

Manila, Philippines – Sumentro sa pagkakaisa ang naging talumpati ni Pangulong Rodrigo Duterte sa ASEAN gala dinner para sa mga world leaders at delegasyon ng mga ito.

Sa kanyang talumpati, sinabi ng Pangulo na nagagalak siya na maging bahagi at magsilbing punong-abala sa ika-50 taong anibersaryo ng ASEAN summit.

Humiling rin ito ng ‘toast’ sa kanyang mga kasama sa okasyon.

Ayon sa Pangulo, nananatili ang pagkakaisa sa mga ASEAN-member countries at mga dialogue partners nito dahil sa mga hangarin at mithiin para sa mas matatag na samahan.

Umaasa naman si Duterte na magkakaroon ng positibong diskusyon ang mga ASEAN member-states at dialogue partners para lalong palakasin ang ugnayan at samahan ng lahat.

Facebook Comments