Pagkakakilanlan ng driver ng van na sangkot sa insidente ng hit-and-run sa Pasay City noong madaling araw ng Pasko, natukoy na

1297

Natukoy na Pasay City Police ang pagkakakilanlan ng driver ng van na nakasagasa ng anim na tao sa Aurora Blvd tramo, Pasay City noong madaling araw ng Pasko.

Kung saan dalawa rito ay naitalang dead on the spot habang apat naman ang nagtamo ng sugat at bali sa katawan.

Ayon kay Pasay City Police Chief PCol. Cesar Paday-os, na-recover nila ang sasakyan na nakaparada sa isang building sa Buendia, Makati.


Dahil dito, natikoy na nila aniya ang assigned driver at kompanya na may ari ng van.

Aniya, kung ‘di sumuko ang driver at makipagtulungan sa kanilang gagawing imbestigasyon, gagawin na nila ang mga susunod na hakbang upang mahuli ang driver.

Tinyak naman ni Paday-os na gagawin nila ang lahat para matulungan ang mga pamilya at mabigyan ng hustisya ang mga biktima ng nasabing hit and run incident.



Facebook Comments