
Natukoy na ang pagkakakilanlan ng mga scammer sa nabistong scam hub sa Cebu City.
Ayo kay Department of Information and Communications Technology (DICT) Spokesperson Asec. Renato Aboy Paraiso, tinutugis na ngayon ng Philippine National Police o PNP at National Bureau of Investigation o NBI ang mga suspek na nakita sa video.
Isasama na rin sa mga iimbestigahan ang lokal na pamahalaan dahil sa pagbibigay ng permit sa nasabing scam hub.
Base sa nag-viral na video na ipinost ng YouTube user na si MWRM, hinihikayat ng mga Pilipinong empleyado na mag-invest ang mga foreigner sa isang AI Investment Scam.
Natuklasan ding banyaga ang financier ng nasabing scam hub na nakatuon sa pagpapaganda ng AI Investment Scheme para makapanloko.
Hinihikayat naman ni Paraiso ang publiko at mga content creator na nakatuon sa paggawa ng hacking content sa mga scam hub na makipag-ugnayan sa DICT at Cyber crime Investigation and Coordinating Center kung may makitang katulad nito.