Pagkakaloob ng Q.C. LGU ng libreng sakay sa mga frontliners, tinapos na

Nagtapos na ngayong araw ang pagbibigay ng Quezon City Local Government Unit (QC LGU) ng libreng sakay sa mga frontliners, health workers at kanilang mga residente.

Dahil dito, pinasalamatan ng lokal na pamahalaan ang mga bus companies na araw-araw na nagbibigay ng libreng sakay sa mga taga -Quezon City para maihatid sa kanilang trabaho at iba pang patutunguhan.

Ayon sa QC LGU, malaki ang naibigay na tulong ng mga bus companies sa lahat ng mga commuters sa panahon ng COVID-19 pandemic.


Kabilang sa mga bus companies na tumugon sa panawagang libreng sakay ay ang Genesis Transport Services Inc., Partas, Jam Liner, Jac Liner, DLTB, Victory Liner, Five Star, Saulog Transit Inc., Bicol Isarog, RRJ, Fairview Bus Line at mga bus na ipinadala ng Armed Forces of the Philippines (AFP).

Facebook Comments