Pagkakaroon community transmission ng UK variant ng COVID-19, masyado pang maaga ayon sa DOH

34

Masyado pang maaga para sabihing mayroon nang community transmission ng UK variant ng COVID-19 sa bansa.

Ito ang naging pahayag ni Department of Health Undersecretary at Spokesperson Maria Rosario Vergeire matapos makapagtala ng dalawang kaso ng UK variant na walang link o source of infection.


Aniya, kailangan muna ng ahensya na magsagawa ng maingat na imbestigasyon upang alamin kung mayroong source o linkage ang iba pang kaso ng UK variant para makumpirma kung ito nga ay isang uri ng community transmission.

Kasabay nito, tiniyak ng DOH na patuloy sila sa pakikipag-ugnayan sa mga lokal na pamahalaan partikular sa mga lugar na may naitalang ng B-1-1-7 COVID-19 variant.

Facebook Comments