PAGKAKAROON NG BROKEN FAMILY NAGING DAHILAN SA PAGPAPAKAMATAY NG BINATILYO SA STA. BARBARA

315

STA. BARBARA, PANGASINAN – Patay ang dise otso anyos na binatilyo sa Sta. Barbara matapos nitong magbigti. Kinila ang biktima na si Mark Kevin Nieto, 18 anyos, residente ng Brgy. Ventinilla ng nabanggit na bayan.

Sa naging imbestigasyon ng pulisya na akma sanang kukuha ng panggatong ang ama ng biktima na nakilalang si Victoriano Nieto sa kanilang likod bahay ngunit laking gulat nito ng makita niya ang kanyang anak na nakasabit ang sarili sa puno ng mangga gamit ang isang nylon rope.


Dali-dali nitong pinutol ang tali at ibinaba ang anak nito na agad niyang dinala sa Mapandan Community Hospital ngunit idineklarang dead on arrival ng mga doktor.
Iginiit naman ng ama ng biktima na maaaring dahilan ng pagpapakamatay nito ay dahil na rin sa problema nila sa pamilya dahil sa paghihiwalay ng kanyang mga magulang.

Facebook Comments