Pagkakaroon ng brownout sa deployment ng mga bakuna, pinaghahandaan na ng DOH

43

Tiniyak ng Department of Health (DOH) ang kanilang kahandaan sakaling magkaroon ng sama ng panahon sa panahon ng deployment ng COVID-19 vaccines sa iba’t ibang lugar sa bansa.

Ayon kay Health Undersecretary Ma. Rosario Vergeire, sakaling mawalan man ng supply ng kuryente dahil sa sama ng panahon ay handa sila para rito.


Kasama aniya ang mga ito sa kanilang mga inilatag na plano para sa deployment ng bakuna.

Ang mga bakuna para sa COVID-19 ay kailangang nakalagay sa cold storage na mayroong iba’t ibang temperatura depende sa brand nito.

Facebook Comments