Pagkakaroon ng dalawang presidential candidates ng PDP-Laban, posibleng payagan

451

Posible naman na payagan na ng Comission on Elections o COMELEC na magkaroon ng dalawang presidential candidate ang PDP-Laban.

Ayon kay COMELEC Spokesman James Jimenez, nangyari na rin ang ganitong sitwasyon noon sa pagitan naman nina Senators Franklin Drilon at BUHAY Partylist Rep. Lito Atienza.


Nabatid na noong 2006 ay pinatalsik nina Drilon si Atienza bilang chairman ng Liberal Party na kagaya rin ng nangyari sa pagitan naman ng paksyon nina Senator Manny Pacquiao at Energy Secretary Alfonso Cusi.

Sa kabila nito, wala pa aniyang pinal na desisyon ang COMELEC sa isyu kung sino ang kikilalanin na lehitimong PDP-Laban.

Facebook Comments