Pagkakaroon ng gulo sa oras na arestuhin ng Senado ang miyembro ng kaniyang gabinete, ibinibala ni Pangulong Duterte

Ibinabala ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagkakaroon ng gulo sa gobyerno sa oras na magpalabas ng kautusan ang Senado na arestuhin ang miyembro ng kaniyang gabinete.

Kasunod ito ng pagbabawal ng pangulo sa kanyang gabinete na dumalo ng imbestigasyon ng Senado kaugnay sa umano’y overpriced na medical supplies nang wala siyang pahintulot.

Sa Talk to the Nation ng pangulo kagabi, muli nitong dinipensahan ang pagbili ng medical supplies ng gobyerno.


Pinayuhan naman nito ang kaniyang gabinete na huwag papayag na sigaw-sigawan ni Senator Richard Gordon at panatilihin ang dignidad.

Facebook Comments