Pagkakaroon ng Korean mafia sa bansa, iginiit ni Justice secretary Aguirre

Manila, Philippines – Iginiit ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre II ang pagkakaroon ng “Korean Mafia” sa Pilipinas.

Ayon kay Aguirre, marami pa silang nakalap na impormasyon na magpapatunay sa nasabing isyu.

Ang panibagong pahayag ay inilabas ng DOJ chief, kahit mariing itinatanggi ng Korean embassy ang naturang impormasyon.


Dahil dito, maglalabas ang tanggapan ni Aguirre ng report tungkol sa mga ebidensya na umiiral nga ang Korean mafia at hindi ito kathang-isip lamang.

Unang lumutang ang usaping ito nang dukutin at patayin ng ilang tauhan ng pulisya ang Koreanong si Jee Ick Joo sa loob mismo ng Camp Crame.

Sinasabing may mga contact na Koreano ang mga pulis, at pinaniniwalaang bahagi ng mafia ang mga iyon.
Nation”

Facebook Comments