Pagkakaroon ng vaccine pass, posible – Galvez

Hindi malabong ang pagkakaroon ng vaccine pass ng mga tao sa hinaharap.

Ayon kay Vaccine Czar Sec. Carlito Galvez Jr., darating ang araw na ang vaccine pass ay magiging global requirement.

Aniya, posibleng ito ang maging batayan para makalabas ng isang bansa ang mga Overseas Filipino Workers (OFW) habang sa seafarers ay maging requirement ito bago sila makasampa sa barko.


Dahil dito, hiniling ni Galvez na gawing responsibilidad ng mga Pilipino ang magpabakuna para na rin sa kaligtasan nila at ng kanilang pamilya.

Facebook Comments