Pagkakaroon ng government strategic communications academy na hirit ng PCOO, inaprubahan ng DBM na maisama sa 2020 proposed national budget

Inaprubahan na ng Department Of Budget and Management ang hiling ng Presidential Communications Operations Office na magkaruon ng government strategic communications academy o training facility.

 

Ayon kay PCOO Secretary Martin Andanar,  may go signal na ang DBM para maisama sa 2020 budget proposal ang kanilang hiling  sa palikha ng government strategic communications academy.

 

Ang academy ayon kay Andanar ay  ang institusyon na magtuturo ng  communications strategy sa lahat ng mga information officers  mula sa national government hanggang local government pati na sa mga barangay.


 

May sariling radio at tv station ang government  communication academy ganundin ng sariling news agency at  sariling social media desk ang academy na  ilalagay sa Bukidnon.

 

Isasalang na lamang aniya ito sa Kongreso at kumpiyansa ani Andanar silang lulusot ito sa Kongreso.

Facebook Comments