Pagkakasangkot muli ng pulis sa killing incident, isolated case lamang – Palasyo

1563

Itinuturing ng Malacañang na isang isolated case lamang ang pagkakasangkot muli ng isang pulis sa pagpatay sa isang sibilyan.

Nasa kustodiya na ng mga awtoridad si Police Master Sergeant Hensie Zinampan, ang pulis na pumatay sa 52-anyos na ginang na si Lilibeth Valdez.


Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, hindi maiiwasan na ang bawat organisasyon ay may bugok na tauhan.

Pero iginiit ni Roque na daan-daang pulis pa rin ang propesyunal at patuloy na naglilingkod para sa bayan.

Facebook Comments