Pagkakasangkot ni Trillanes sa destabilization plot laban sa Pangulo, nais paimbestigahan ni Bong Go

3228

Gustong paimbestigahan ni Senator elect Christopher “Bong” Go si outgoing Senator Antonio Trillanes IV kaugnay ng pagkakasangkot nito sa planong pagpapabagsak sa administrasyong Duterte.

Kasunod ito ng pag-amin ni Peter Joemel Advincula alyas “Bikoy” na si Trillanes ang utak ng “Ang Totoong Narcolist” video.

Ayon kay Go, hintayin na lamang ni Trillanes ang subpoena para sa kanya.

Dagdag pa nito, noon pa man ay alam na ng lahat ang plano ni Trillanes laban sa administrasyong Duterte.

Matatandaang ipinatawag noon ni Trillanes si Go sa isang senate investigation hinggil sa umano’y pakikialam ng dating presidential special assistant sa frigate deal ng Philippine Navy.

Pero sa kabila nito, nagawa pa ring pasalamatan ni Go si Trillanes dahil sa pamamagitan nito ay mas nakilala siya ng publiko at nanalo sa katatapos lang na halalan.

Sa unang araw ng Hulyo magsisimula ang termino ni Go bilang senador.

Facebook Comments

From Advertisers