Pagkakatalaga kay dating FBI Director Robert Mueller, umani ng iba’t ibang reaksyon

12

World – Umani ng ibat ibang reaksyon ang pagtatalaga ng U.S. Justice Department kay dating FBI Director Robert Mueller bilang special counsel.

Ito ay para sa imbestigasyon hinggil sa umano’y pakikiaalam ng Russia sa nagdaang eleksyon ng Estados Unidos kabilang na ang sinasabing ugnayan ng campaign team ni U.S. President Donald Trump sa mga Russian officials.

Ang 72-anyos na si Mueller ay ang pinalitan noon ni James Comey sa pagiging direktor ng FBI.

Isa siya sa mga FBI Director na may mahabang history na pagdating sa imbestigasyon at prosekusyon.
DZXL558

Facebook Comments