Pagkakatalaga kay Robredo sa ICAD, welcome sa DOJ

Manila, Philippines – Handang makipagtulungan ang Department of Justice (DOJ) kay Vice President Leni Robredo bilang bagong opisyal ng Inter-agency Committee on Anti-illegal Drugs o ICAD.

Sinabi ni Justice Secretary Menardo Guevarra na welcome sa kanila ang appointment kay Robredo.

Umaasa rin aniya sila na maibabahagi ni Robredo ang kanyang pananaw sa ikatatagumpay ngĀ  kampanya ng pamahalaan laban sa illegal drugs.


Ang DOJ ay kabilang sa mga ahensya ng gobyerno na aktibong miyembro ng ICAD.

Ang DOJ din ang tumatayong lead agency sa justice cluster ng komite.

Facebook Comments