
Hindi umano maituturing na toothless o walang ngipin ang Independent Commission for Infrastructure (ICI).
Ito’y kahit pa tumanggi ang mga Discaya na makipagtulungan sa komisyon sa imbestigasyon ng maanomalyang flood control project.
Ayon kay ICI Executive Director Brian Keith Hosaka, nag-invoke ng kanilang karapatan ang mag-asawang Discaya para sa pakikipag-coordinate o kooperasyon sa ICI
Gaya umano ng ginagawa sa Senado at kamara na nirerespeto rin ang kanilang karapatan kapag binabanggit ang “I invoke my right against self incrimination” o ang pagtanggi nitong sumagot at magbigay ng impormasyon.
Una nang sinabi ni Ombudsman Boying Remulla na tatayo pa rin ang kaso sa korte laban sa mga Discaya kahit pa hindi na makipagtulungan sa imbestigasyon ng ICI.
Samantala, iginiit din ng ICI na tinitingnan din nila ang mga affidavit ng Discaya na una nang isninumite sa ICI maging ang mga impormasyon mula naman sa iba pang resource person.









