Pagkalat ng mga used rapid test kits sa Sampaloc, Maynila, pinaiimbestigahan na ni Mayor Isko Moreno

36

Ipinag-utos na ni Mayor Isko Moreno ang malalimang imbestigasyon sa pagkalat ng malaking volume ng mga gamit ng rapid test kits sa M. Dela Fuente Street sa Sampaloc, Manila.

Ayon kay Moreno, agad nilang ipapasara ang medical clinic na mapapatunayang nagtapon ng rapid test kits sa maling pamamaraan.

Bukod pa ang pagsasampa ng kaukulang kaso dahil sa improper disposal ng hazardous materials.

Ang 200 na rapid test kits na nakolekta ng Department of Public Services ay agad na na-disinfect upang matiyak na hindi kumalat ang virus.

Pinaalalahanan naman ni Moreno ang mga opisyal ng barangay na maging alerto sa mga ganitong pangyayari.

Facebook Comments