Pagkalat sa social media ng kopya ng sinasabing memorandum ng Valenzuela Police hinggil sa mga target sa Metro Manila ng Maute Group, ini-imbestigahan na ng NCRPO

51

Manila, Philippines – Pina-iimbestigahan na ni NCRPO Regional Director, Police Director Oscar Albayalde ang dokumento na kumalat sa social media hinggil sa mga sinasabing lugar sa Metro Manila na target ng Maute Group.

Partulikular ang memorandum ng Valenzuela Police Intelligence Branch na nag-aalerto sa pulisya kaugnay ng sinasabing planong pag-atake ng Maute sa magkakahiwalay na lugar sa Kalakhang Maynila.

Ayon kayAlbayalde, bagamat hindi nila binabewala ang ano mang kahalintulad na impormasyon, inatasan niya si Northen Police District Director Bong Fajardo na imbestigahan ang nasabing usapin.

Uma-apela naman si Albayalde sa publiko na itigil na ang pagpapakalat ng dokumento habang ini-imbestigahan ito para hindi maalarma ang mamamayan.

Sa kabila nito, nanawagan ang NCRPO Chief sa publiko na manatiling vigilant.

Facebook Comments