Pagkalugi sa global tourism, pumalo na sa $320 billion

Umabot na sa 320 billion US dollar ang pagkalugi ng global tourism sa unang limang buwan ng 2020 dahil sa Coronavirus pandemic.

Ayon sa World Tourism Organization (WTO), ang pagkalugi ay tatlong beses na mas malala kumpara noong 2009 financial crisis.

Sinabi ni WTO Secretary General Zurab Pololikashvili, mahalagang simulan na muli ng mga bansa ang pagbubukas ng mga turismo para hindi na lumala pa ang pagkalugi.


Facebook Comments