Pagkamatay ng dalawang taong gulang na bata, may foul play

112

Sa Misamis Oriental, lumabas sa imbestigasyon ng mga otoridad sa Misamis Oriental na may foul play ang nangyaring pagkamatay ng dalawang taong gulang na batang lalaki sa San Vicente, Tagoloan, Misamis Oriental.

Ito ang inihayag ni Police Corporal Jackielou Malagamba ang imbestigador ng Tagoloan Municipal Police Station sa Interview ng DXCC-RMN.


Ayon kay Corporal malagamba na hindi nalunod ang bata sa sarili nitong galaw kundi may taong nasa likod ng krimen.

Matandaan na natagpuang nasa loob ng water container ang bata na naka u-shape noong miyerkules ng gabi.

Dahil dito, pinayuhan ng mga pulis ang mga magulang na ipa autopsy ang bangkay ng bata para malaman ang ikinamatay nito.

Sa ngayon ay may person of interest na ang mga otoridad habang nagpapatuloy ang imbestigasyon.

Facebook Comments

From Advertisers