Pagkamatay sa engkwentro ng 22 anyos na anak ni Bayan Muna Representative Eufemia Campos Culliamat, isang paalala sa walang saysay na marahas na pakikibaka ng communist terrorist group ayon sa DND

3077

Walang saysay ang patuloy na marahas na pakikibaka ng Communist Terrorist Group.

Ito ang inihayag ni Department of National Defense (DND) Secretary Delfin Lorenzana, matapos na masawi sa engkwentro ang 22 anyos na anak ni Bayan Muna Representative Eufemia Campos Culliamat na si Jevilyn Cullamat.


Si Jevilyn ayon sa militar ay matagal nang miyembro ng New People’s Army (NPA) na nasawi kahapon matapos na makaengkwentro ng kanilang grupo ang mga miyembro ng Philippine Army sa Surigao Del Sur.

Ayon kay Lorenzana, nanawagan siya sa mga kinatawan ng Makabayan bloc at sa lahat ng kumokondena sa mga ginagawang karahasan ng CPP-NPA na manawagan na kondenahin ang ideyolohiya ng CPP-NPA na nakakasira sa buhay katulad na lamang ng ni Jevilyn.

Sa ngayon, tiniyak ni Lorenzana na mananatiling mapagmatyag at alerto ang tropa ng gobyerno para idepensa ang publiko sa panggugulo ng komunistang terorista.

Facebook Comments