Pagkansela Sa Meeting Nina Obama At Duterte, Suportado Ni Us Presidential Candidate Hilary Clinton

7

UNITED STATES – Suportado ni Democratic Presidential Candidate Hillary Clinton ang desisyon ni US President Barack Obama na kanselahin ang pakikipagpulong nito kay Pangulong Rodrigo Duterte kasabay ng nagpapatuloy na ASEAN Summit sa Laos.Ito ay kasunod ng mga kontrobersyal na pahayag ni Duterte laban kay Obama.Ayon kay Clinton, tama lang ang ginawa ng pangulo ng Pilipinas na nagsisi kasunod ng kanyang personal attacks kay Obama.Aniya, dapat mangibabaw ang mutual respect sa pagitan ng dalawang bansa.Kaugnay nito, tinawag namang ‘terrible’ ni US Republican Presidential Candidate Donald Trump ang mga banat ni Duterte kay Obama.Sa kanyang twitter account, sinabi ni Trump na naging ‘sarcastic’ si Duterte sa pangulo ng Estados Unidos.

Facebook Comments