PAGKASIRA UMANO NG DIPALO RIVER, SAN QUINTIN, MULING INUNGKAT

Muling inungkat ng ilang residente ang mainit na usapin ng pagkasira ng natural na ganda at kalidad na tubig ng Dipalo River sa San Quintin.

Sa isang video presentation, inilista ng ilang residente ang mga naging epekto ng pagbibigay pahintulot sa pagpapatayo ng isang mini hydro powerplant sa bayan noong 2022.

Nakasaad na dahil umano sa naturang pananaliksik sa naturang ilog ay nasira ang rock formations na atraksyon sa mga turista, at nabarado ang patubig para sa mga magsasaka.

Bukod dito, ay higit naapektuhan ang mga residente na walang mapagkukunan ng malinis na inuming tubig matapos mapuno ng putik ang ilog.

Komento ng ilang residente na dapat mabago ang sistema at pamumuno sa naturang ilog para sa kapakanan ng mga residente.

Kaugnay nito, hiling ng ilan ang maayos na suplay na tubig na siyang isang sinisikap na solusyonan sa bawat barangay. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments