Pagkasunog ng power rectifier ng LRT-2, posibleng resulta ng lightning strike

20

Posibleng lightning strike o pagtama ng kidlat ang dahilan ng pagkasunog ng power rectifier ng LRT Line 2.

Ayon kay LRT Engineering Department Manager, Engr. Federico Canar, lumabas sa kanilang initial assessment na maaaring kidlat o equipment failure ang dahilan ng sunog.


Sinabi naman ni LRTA Deputy Administrator for Operations and Engineering Paul Chua, nangyari ang lightning strike, isang araw bago ang nangyaring sunog.

Nilinaw naman ni LRTA Spokesperson, Atty. Hernando Cabrera, hindi sila makapaglabas ng pinal na report dahil ang pinangyarihan ng sunog ay sa ilalim pa ng hurisdiksyon ng Bureau of Fire Protection (BFP).

Facebook Comments

From Advertisers