Pagkilatis kung personal ba o trabaho ang madalas na pagbiyahe ni VP Sara sa ibang bansa, ipinauubaya na ng Palasyo sa publiko

No comment ang Malacañang sa pagbiyahe ni Vice President Sara Duterte sa Australia para dumalo sa Free Duterte Rally ng ilang grupo ng mga Pilpino roon.

Ayon kay Palace Press Officer Claire Castro, bahala na ang taumbayan na humusga kung ang mga ginagawa ni VP Sara ay pangpersonal ba o pangbayan.

Kung abala naman aniya ang bise presidente sa mga personal na biyahe ay choice niya ito at walang magagawa rito ang Palasyo.

Dagdag pa ni Castro, kung may nalalabag man si VP Sara sa kaniyang mga biyahe sa labas ng bansa, ito ay ang obligasyon niya sa mga Pilipino, bilang halal na opisyal ng bansa.

Matatandaang may mga nauna nang personal trip si VP Sara The hague, Netherlands kung saan siya nagdiwang ng kaniyang kaarawan nitong Mayo.

Bumiyahe na rin ito sa Qatar, at Kuala Lumpur, Malaysia kung saan humarap siya sa mga overseas Filipino workers (OFW).

Facebook Comments