Pagkilos ng PNP laban sa mga nagkakalat ng fake news, umani ng suporta mula sa mga kongresista

Nagpahayag ng buong suporta ang mga kongresista sa mga hakbang ni Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) Chief Gen. Nicolas Torre III laban sa mga nagkakalat ng fake news at maling impormasyon.

Kabilang sa mga kongresista na nagpahayag ng mensahe para kay Torre ay sina Representatives Robert Ace Barbers ng Surigao del Norte, Bienvenido Abante ng Manila, Zia Alonto Adiong ng Lanao del Sur, Paolo Ortega ng La Union, at Jay Khonghun ng Zambales.

Ang kanilang pahayag ay kasunod ng pagsasampa ni Torre ng reklamo laban sa isang vlogger na nakabase sa Cebu na nagkalat umano ng maling balita na sya ay na-ospital.

Magugunitang una ring naghain si Torre ng mga reklamong inciting to sedition at unlawful utterances laban kay dating Pangulong Rodrigo Duterte na nagpahayag ng pagpatay sa 15 mga senador.

Giit ng mga kongresista, may panganib na dala ang fake news at misinformation dahil nagdudulot ito ng kalituhan at nagpapahina ng tiwala sa mga demokratikong institusyon kaya ang kamara ay nagsasagawa na rin ng imbestigasyon hinggil dito.

Facebook Comments