Pagkontrol sa mga desisyon ni Pangulong Duterte, mariing itinanggi ni Senator Go

246

Mariing pinabulaanan ni Senator Christopher “Bong” Go ang pahayag ni presidential aspirant retired Lt. Gen. Antonio Parlade Jr., na kaniyang kinonkontrol ang mga desisyon ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Diin ni Go, nasagot na mismo ni Pangulong Duterte na walang nagko-kontrol dito at ito mismo ang nagsabi na hindi naman siya magiging pangulo kung pinapaikot lang siya ng ibang tao.

Giit ni Go, si Pangulong Duterte mismo ang gumagawa ng magagandang desisyon nito at siya bilang matagal ng assistant ay tumutulong lamang sa pag-implementa ng tamang mga desisyon na nakakabuti sa bayan.


Ayaw nang makipagsagutan pa ni Go kay Gen. Parlade dahil ito raw ay nirerespeto niya at sa katunayan ay isa siya sa nagrekomenda na maging undersecretary ito.

Naniniwala si Go na mainit na politika ang dahilan ng mga pahayag laban sa kaniya ni Parlade na ipinauubaya na lang niya sa paghusga ng taumbayan.

Facebook Comments