Pagkuha ng National ID sa San Juan City, pansamantalang itinigil ngayong araw

18

Pansamantalang sinuspende ang transaksyon sa pagpro-proseso ng Nationa ID sa city hall ng lungsod ng San Juan ngayong araw.

Batay sa abiso ng pamahalaang lungsod, ito ay upang bigyang-daan ang pagsasaayos ng sistema at proseso nito sa loob ng city hall.


Ito ay para na rin maiwasan ang pagdagsa at pagkumpulan sa loob ng city hall para sa mga mag-apply ng nasabing ID.

Ayon sa pamahalaang lungsod, tinitiyak nila na masusunod ang mga ipinatutupad na mga health protocol laban sa COVID-19, tulad ng social distancing.

Tinitiyak ng pamahalaang lungsod ng San Juan na mas mapapabilis at magiging madali na ang pag-apply ng National ID sa lungsod oras na matapos ang ginagawa nilang pagsasaayos ng sistema at proseso nito.

Facebook Comments