Pagkuha ng prankisa mula sa Kongreso ng social media platforms, iminungkahi sa Kamara

Isinulong sa pagdinig ng House Tri Committee na katulad ng mainstream TV at radio stations, ay dapat kumuha na rin ng prangkisa mula sa Kongreso ang mga social media platforms kagaya ng YouTube, Facebook, at marami pang iba.

Iminungkahi ito nina Representatives Joseph Stephen Paduano, Robert Ace Barbers, at Jose “Joboy” Aquino II sa pagdinig ng Kamara ukol sa paglaganap ng disinformation at misinformation.

Giit ng tatlong namumuno sa Tri Committee, may pangangailangan para sa isang regulasyon kung saan maiiwasan o mapabababa ang insidente ng pagkakalat ng maling impormasyon.


Sabi ni Rep. Paduano, pwedeng amyendahan ang Public Service Act upang maisama ng National Telecommunications Commission (NCT) sa listahan ng “public utilities” ang mga social media platform.

Binanggit naman ni Rep. Aquino na maaari ding isailalim sa regulasyon ng Kapisanan ng mga Brodkasters sa Pilipinas (KBP) at ng Movies Television Review Classification Board (MTCRB) ang social media.

Facebook Comments