Pagkukumpuni ng ilang kalsada, pansamantalang ihihinto sa Semana Santa

18

Plano ng DPWH na pansamantala munang ihinto ang mga pagkukumpuni ng ilang kalsada sa panahon ng Semana Santa.

Ayon kay DPWH Secretary Mark Villar, makikipag-ugnayan sila sa MMDA para sa posibleng pagpapahinto sa mga road repair.


Aniya, tiyak kasing bibigat ang daloy ng trapiko sa mga pangunahing kalsada lalo at dadagsa ang mga babiyahe papasok at palabas ng Metro Manila.

Agad namang aniyang ibabalik ang mga road repair pagkatapos ng Semana Santa.

Facebook Comments

From Advertisers