Mas pinalalakas pa ng Department of Health Ilocos Region ang kanilang kampanya kontra Child Labor.
Alinsunod dito, nakiisa ang pamunuan sa pagdiriwang ng World Day Against Child Labor sa pangunguna ng Department of Labor and Employment at Regional Council Against Child Labor (RCACL).
Ayon sa DOH Ilocos, patuloy ang implementasyon ng mga programang may kaugnayan sa Child Labor na tumutugon partikular sa mga health related impacts nito, sa pisikal, mental at psychological na aspeto ng mga batang manggagawa.
Kasabay nito, nabenipisyuhan din ang mga bata at ilan pang kalahok ng iba’t-ibang serbisyo tulad ng medical consultation, legal consultation at iba pa.
Layon ng programa na matuldukan na ang child labor sa bansa at iprayoridad ang kapakanan ng mga bata. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments