Paglagda ng EO 118 sa COVID-19 tests, welcome sa DOT

54

Malugod na tinanggap ng Department of Tourism (DOT) ang pagpirma ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Executive Order 118 kung saan inaatasan ang Department of Health (DOH) at Department of Trade and Industry (DTI) na tiyakin ang abot-kayang COVID-19 test sa lahat.

Sa ilalim EO 118, ang DOH at DTI ay bubuo at magpapataw ng presyo ng COVID-19 testing na isinasagawa sa mga ospital, laboratoryo, at iba pang health facilities, maging ang test kits na gagamitin.


Ang price range ay kasama na rin bilang requirement sa pagbibigay ng lisensya at akreditasyon sa COVID-19 testing facilities.

Ayon kay Tourism Secretary Bernadette Romulo-Puyat, ang hakbang na ito ay magbibigay kumpiyansa sa mga biyaherong bibisita sa mga sikat na destinasyon.

Hudyat din ito ng muling pagpapasigla ng ekonomiya sa pamamagitan ng unti-unting pagbubukas ng domestic tourism.

Magugunitang umapela ang DOT sa Inter-Agency Task Force (IATF) na magpatupad ng price cap sa RT-PCR at Antigen Test.




Facebook Comments