Paglalabas ng Narcolist bilang impeachable offense, “pure non-sense” ayon sa Malacañang

304

Tinawag na ‘pure non-sense’ ng malacanang ang pahayag ni Akbayan Rep. Tom Villarin na isang impeachable offense ang paglalabas ni Pangulong Rodrigo Duterte ng narcolist.

 

Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo – walang legal at factual basis ang sinabi ng mambabatas.

 

Aniya, kinasuhan naman ang mga narcopolitician kaya ang paglalabas sa kanilang pangalan ay parang pagsasapubliko lang sa mga pinaghihinalaang kriminal.

 

Giit pa ni Panelo – ang pagsasapubliko sa narcolist ay bahagi lang din ng trabaho ni Pangulong Duterte na pangalagaan at protekhan ang mga pilipino.

 

Facebook Comments