Paglalagay ng police clearance booths sa mga SM malls, gagawin ng PNP 

50

Pinaplantsa nalang ng Philippine National Police (PNP) ang mga operational at documentary requirements upang mabuksan na ang mga National Police Clearance (NPC) booths sa mga mall ng SM. 

Ayon kay PNP Chief Police General Camilo Cascolan, layunin ng proyektong ito ng pambansang pulisya na gawing mas accessible sa publiko ang mga frontline services ng PNP.  

Nitong September 16, 2020, nagpulong ang mga opisyal ng PNP at SM Supermalls at napag-usapan ang proyekto na ayon sa SM management ay maaaring maging operational sa loob lamang ng dalawang buwan.  

Batay sa proposal ng PNP, inisyal na magbubukas ang NPC booths sa SM Government Service Centers sa SM Mall of Asia, SM Bacoor, at SM Southmall bilang bahagi ng soft opening ng serbisyo. 

Nagpasalamat si PNP Chief kay Mr. Steven T. Tan, ang Pangulo ng SM Supermalls sa kaniyang pag-apruba sa pilot project. 

Facebook Comments