Paglalagay ng Price Tags sa mga Ibebentang Produkto, Required na

53

Cauayan City, Isabela- Ipinag-utos ni Isabela Governor Rodito Albano III na ang lahat ng mayroong business establishments ay kinakailangan na maglagay ng price tags sa lahat ng ibinebentang produkto gayundin ang Price Bulletin Board sa lahat naman ng pampubliko at pribadong palengke.

Ito ay makaraang lagdaan ni Albano ang EO No. 08 series of 2021 na nagtatakdang gawin ng lahat ng mga negosyante.


Nakapaloob rin sa kautusan na ang lahat ng Local Chief Executive sa pamamagitan ng kani-kanilang Local Price Coordinating Council ay kinakailangang bumuo ng Price Action Team (PAT) na siyang tututok sa regular inspections sa mga private markets, supermarkets, at grocery stores upang masigurong masusunod ang implementasyon ng naturang hakbang ng pamahalaan.

Bukod dito, magkakaroon rin ng hiwalay na monitoring ang mga Barangay Officials at NGOs upang suriin naman kung mayroong iregularidad sa pagtataas ng presyo ng bilihin sa pamamagitan ng gagawing koordinasyon sa Department of Trade and Industry (DTI) at Department of Interior and Local Government (DILG) upang maiwasan ang hindi kanais-nais na pagtaas ng presyo at ang pag-iimbak ng pangunahing bilihin.

Facebook Comments