Nagpapatuloy ang paglalagay ng street lights sa mga pangunahing lansangan sa Binmaley na madalas ireklamo ng mga residente at motorista dahil sa madilim na daan tuwing gabi.
Sa panayam ng IFM News Dagupan kay Binmaley Mayor Pedro Merrera, tuloy-tuloy na ang pagpapatayo ng mga poste sa kahabaan ng Pallas, Nansangaan-Lomboy Road at maging sa baywalk area.
Tiniyak ng alkalde na dekalidad ang mga solar lights na ikinakabit dahil nasa 300-500 watts ang kapasidad nito kung ihahambing sa ibang supplier na nasa 150 watts lamang.
Kaugnay nito, personal din umanong sinusubaybayan ng alkalde ang paglalagay upang matiyak na pulido ang trabaho at mapanatili ang transparency sa serbisyo publiko. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments