Paglalagay sa half-mast ng watawat sa Pilipinas para sa pagpanaw ni Pope Francis, panawagan ng isang kongresista

Iminungkahi ni Manila 3rd District Representative Joel Chua sa National Historical Commission of the Philippines o NHCP na pormal na irekomenda kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na ilagay sa half-mast ang watawat ng Pilipinas ngayong weekend.

Ayon kay Chua, ito ay bilang pagkilala at pagpapakita ng pagluluksa sa pagpanaw ni Pope Francis na ihahatid sa kanyang huling hantungan sa Sabado.

Binanggit ni Chua na ang NHCP ang nagpagtutupad sa itinatakda ng Flag and Heraldic Code o Republic Act 8491.

Sabi ni Chua, maaring tukuyin ng NHCP ang iba pang indibidwal na hindi kasama sa Section 27 ng implementing rules of RA 8491 na maaring gawaran ng half-mast honor.

Paliwanag ni Chua, marapat lang na ilagay natin sa half-mast ang ating watawat para yumaong Santo Papa dahil ang Pilipinas ay nangungunang bansa sa Asya o maaring sa buong mundo na may pinakamaraming Katoliko.

Facebook Comments