Paglilinis at pagpintura ng Overhead Catenary System equipment ng MRT-3, isinasagawa na rin sa ikalawang araw ng Holy Week maintenance shutdown ng linya

67
Photo Courtesy: DOTr MRT-3

Umarangkada na rin ang cleaning at repainting ng mga vertical drop at iba pang Overhead Catenary System (OCS) equipment ng Metro Rail Transit-3 (MRT-3) ngayong araw bilang bahagi ng Holy Week maintenance shutdown ng linya.

Isinasagawa ang cleaning at repainting ng OCS equipment sa Guadalupe station, Buendia station at Ayala station.

Nililinis at pinipinturahan ang mga equipment upang magarantiyang 100% safe at renovated ang OCS na siyang nagsusuplay ng kuryente sa mga tren ng linya.


Kahapon ay sinimulan na ang pagpapalit ng mga turnouts sa pagitan ng istasyon ng North Avenue at Quezon Avenue.

Ang mga turnouts ay ginagamit upang makalipat ang isang tren mula sa isang track patungo sa ibang track.

Facebook Comments