Paglipat ni Paul George ng Indiana Pacers sa oklahoma City Thunder, usap-usapan ngayon sa social media

159

NBA – Matunog ang balitang pag-trade ng Indiana Pacers sa kanilang superstar na si Paul George sa Oklahoma City Thunders.

Usap-usapan ngayon sa social media ang balitang mapupunta na si Paul George sa Oklahoma City Thunder (OKC) kapalit sina Victor Oladipo at Domantas Sabonis.

Makakasama ng superstar ang 2017 NBA MVP na si Russell Westbrook na may average na triple-double noong ‎2016-2017 NBA regular season.


Kamakailan lamang, nagsabi ang 4x all-star na nagbabalak siyang umalis sa Pacers bilang free agent sa susunod na summer.

Si Paul George ay may record na 23.7 points per game sa huling NBA season.

Facebook Comments