
Malugod na tinanggap ng National Security Council (NSC) ang paglulunsad ng Reciprocal Access Agreement (RAA) ng Pilipinas at ng bansang Japan.
Ang nasabing kasunduan ay naging epetikbo sa papamagitan ng Doshin-Bayanihan 5-25, isang pinagsamang training exercise sa pagitan ng hukbong sandatahan ng dalawang nasabing bansa.
Dahil sa nasabing kasunduan, mapagtitibay nito ang bilateral defense collaboration, matitiyak ang interoperability, at mapatatatag nito ang seguridad ng dalawang bansa.
Tinitingnan din ito ng NSC bilang isang strategic milestone sa operasyon ng RAA.
Bukod dito nagbigay din ng pasasalamat ang NSC sa pamahalaan ng Japan dahil sa humanitarian support na ipinagkaloob nila sa mga nasalanta ng pagtama ng lindol sa Cebu.
Kaugnay nito, magtatagal hanggang October 11 ang isinasagawang training exercise ng Pilipinas at ng Japan.









