Pagluwag sa kafala system, isa umanong tagumpay para sa mga OFWs

37

Itinuturing ni Taguig Rep. Alan Peter Cayetano na tagumpay para sa mga Overseas Filipino Workers (OFWs) ang pagluluwag ng Saudi Arabia sa kafala system.

Aniya, ang mga malulungkot at masasakit na karanasan ng milyong OFWs ang nagsilbing inspirasyon sa Department of Foreign Affairs (DFA) para isulong ang kampanya kontra kafala.


Sinabi ni Cayetano na dati ring DFA Secretary, bagama’t matagal nang itinuturing na makabagong bayani, ngayon pa lamang nararanasan ng mga OFW ang ganitong pagtrato dahil sa malasakit ni Pangulong Duterte.

Inanunsyo ng Saudi Arabia kamakailan na simula sa Marso ng susunod na taon ay hindi na kailangang humingi ng permiso ang migrant workers sa kanilang mga amo kapag lilipat ng trabaho, bibyahe abroad o aalis na sa kanilang bansa.

Dahil dito’y umaasa si Cayetano na bubuti na ang kondisyon ng mga OFW, mababawasan ang banta ng pang-aabuso at kapahamakan sa ibang bansa.

Facebook Comments