Pagmamahal, malasakit at sakripisyo para sa kapwa, pangunahing mensahe ng mga senador ngayong Eid’l Adha

Nakikiisa sina Senators Leila De Lima at Risa Hontiveros sa selebrasyon ng Eid’l Adha o Feast of Sacrifice ng mga kapatid nating Muslim.

Mensahe ni De Lima sa mamamayan, magmalasakit tayo at bigyang lakas ang isa’t isa upang mapabilis ang pagbangon ng mga kababayan nating mas nangangailangan.

Kasama rito ang mga naiipit pa rin sa deka-dekadang hidwaan, mga nawalan ng mga mahal sa buhay, kabuhayan at tahanan dahil sa karahasan, at mga naguguton ng matindi at naghihirap dahil sa pandemya.


Ayon naman kay Hontiveros, anuman ang hamon o pagsubok na ating pinagdaraanan, ay alalahanin natin na katuwang natin ang Diyos.

Umaasa rin si Hontiveros na bawat pagsasakripisyo at pagmamahal natin sa kapwa ay maging tulay para lalo tayong mapalapit sa Panginoon.

Facebook Comments