Pagmamaltrato ng dalawang kasambahay sa isang taong gulang na bata, huli sa CCTV

69

Manila, Philippines – Huli sa CCTV ang pagmamaltrato ng dalawang yaya sa isang taong gulang na bata sa Taguig City.

Kinilala ang mga yaya na sina Anna Zamora, 21-anyos at July Garcia, 19-anyos, na tinatakot at hindi pinapansin ang kanilang alaga na anak ng mag-asawang Nathan at Shiela Javier.

Ayon kay Shiela – labis siyang nasaktan kaya hindi napigilang sumbatan ang mga yaya.

Nagbigay paalala si p/Sr. Insp. Vanessa Deseo, hepe ng Women and Children Protection Division ng Taguig pnp na kilalaning mabuti ang mga kukuning yaya sa mga anak.

Hawak na ng awtoridad ang mga kasambahay na nahaharap ngayon sa kasong paglabag sa Republic Act no. 9262 o an Act Defining Violence Against Women and Children.

Facebook Comments